Lunes, Mayo 20, 2013

ang zodiac sign na Cancer

"BULGAR’S KARUNUNGANG LIHIM -01-25-13 Bigyang daan natin ang pagpapatuloy ng kasagutan sa e-mail ni Lhen ng
 

Sa nakaraan , ibinabahi natin ang kahulugan ng simbolo ng Zodiac Sign na Cancer na The Crab. Ngayon naman ay ating pag-usapan ang kahulugan ng Cancer bilang isa sa mga Water Signs. Ang emosyon ng tao ay sinisimbolo ng Tubig , kaya nga mga nasa Zodiac Sign na Cancer ay may malakas na emosyon or damdamin. Kaya nga hindi nakakapagtaka na silang sobrang emosyunal , sobrang maramdamin at madrama sa buhay.Oo , madrama ,dahil sa bawat mga Drama ng Buhay , may mga luhan naglalaglag at ang bawat patak ng luha ay tubig na nagmumula sa damdamin. Marami ang nagsasabing ang Buhay or Life ay mula sa Haring Araw dahil kung wala ang sikat ng araw wala ring buhay sa mundong ibabaw. Magkaganuman , kapag nilaliman natin ang pag-araal sa hiwaga ng Buhay or Life ,matutuklasan natin na sa Tubig pala nagmula ang Life. Kaya nga kapag walang Tubig , wala ring Life. Sobrang malalim para sa pangkaraniwang nilalang ang nasabing katotohanan. Kaya para madaling maunawaan , pagmasdan natin ang iba pang nilikha makikita natin na ang mga bagay na walang damdamin ay hindi mga buhay , kumbaga , sila na mga walang emosyon ay mga non-living things. Sa buhay naman ng bawat tao ating makikita na ang ibat-ibang larawan ng kapalaran ,may ang iba sobrang mayayaman at ang iba pa malayo na ang narating at ang iba pa masasabing nagtatagumpay sa kani-kanilang larangan pero hindi sila masaya ,kumbaga ,wala silang kaligayahan. Kaya nga ang mga taong nalulungkot hanggang sa sobrang malungkotg kahit ano pa ang naabot niya sa buhay niya , siya ay pinpayuhan na para lumigaya ay dapat na magmahal sa isang nasa Zodiac Sign na Cancer or sa mga isinilang sa mga Water Signs. Sa ganitong paraan ang kanyang walang kwentang life ay magkaroon mismo ng buhay. Sa madaling sabi , ang Tubig na sinisimbolo ng mga nasa Water Signs ay Tubig na Nagbibigay Buhay. Magkaganunman , ang Tubig din ito na nananahan sa mga isinilang sa Zodiac Sign na Cancer ay nagiging Tubig ding mapangmawasak gaya ng mga rumaragasang malalakas na agos ng isang mapaminsalang baha. Dahil kapag sumama ang loob ng isang nasa Cancer at kapag napuno na siya ng galit , ang kanyang sariling mundo kasama na ang sa kanyang kagagalitan ay makakatang makakaranas mala-gunaw na nakatindig balahibong kaganapan. Marami ang nag-akalang mahina ang personalidad ng mga nasa Water Signs lalo na ang mga isinilang sa Zodiac Sign na Cancer , subalit , paano ba sila magiging mahina kung hawak-hawak nila ang nasabing mapangwasak na pwersa ng isang malakas na agos ng mapaminsalang baha. At ang kahinaan ay hindi angkop sa isang bagay na nagbibigay mismo ng buhay. Ang tinatawag na Kutob ng tao ay sa damdamin din nagmumula. At dahil malakas ang damdami ng nasa Zodiac Sign na Cancer , malakas din ang kanyang Kutod kaya hindi nakakapagtaka na tatalunin na mga nasa Cancer ay pinakamagaling na manghuhula kapag ang pag-uusapan ay ano kaya ang ginagawa ng aking karelasyon ? Nasaan na kaya siya? Dinadaya na kaya niya ako ? May iba ba siyang mahal? At hindi na yata niya ako gusto? Kaya nga kapag nagselos ang isang nasa Cancer ibig sabihin, may karapatang siyang magkaganun. Pero ang Kutob ding ito ay napapakinabangan niya sa mga pakikipagsapalaran na ang mismong Kapalaran ang nakataya ,gaya ng sa sugal at iba pang katulad na aktibidad . Kaya nga sa lahat ng klase ng tao , ang mga nasa Water Signs ay mas madalas na manalo o tumama sa mga ganitong bagay. Ang isa pang lihim ng mga nasa Water Signs ay nagsasabing “Water Seeks Its Own Level.” Ibig sabihin ,kapag binuhos ang tubig sa lupa , kusa itong gagapang at hahanapin niya ang eksaktong kanyang kalalagyan. Kaya nga hindi tumitigil ang Tubig hangang sa siya ay mapanatag. Ito ang isa pang lihim ng kapalaran ng mga nasa Water Signs lalo na ng mga nasa Zodiac Sign na Cancer kaya sila’y nagkakaroon ng nakaparaming pakikipagsapalaran sa larangan ng pag-ibig o pakikipagrelasyon dahil kapag hindi na sila maligaya , kapag puro na lang lungkot kapag hindi na panatag ang kanilang damdamin ,kusang hahanapin nila ang daan ng kanilang kaligayahan.( itutuloy.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento